"Pangarap Lang Kita" --- Spoken Word Poetry by Andrea Tan
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang tulang ito,
Ni hindi ko alam kung bakit ba kita ginawan ng ganito.
Pero siguro kasi,
Kasi gusto kong malaman mo 'yung totoong nararamdaman ko para sa'yo.
At ngayon, sisimulan ko na ito.
Sisimulan ko na sa kung paanong noong unang beses kitang nakita ay nakuha mo na agad hindi lang ang atensyon ko, kundi maging ang puso ko.
Sisimulan ko na sa kung paanong noong unang beses kitang nakita ay nahulog na agad ako.
Nahulog na agad ako.
At hindi ko alam kung paano makakaahon mula rito,
O kung makakaahon pa ba ako.
Tandang-tanda ko pa ang petsa nang una kitang makita.
Ika-labing tatlong araw ng Hunyo taong ika-dalawang libo't labing lima.
Sabado iyon ng hatinggabi,
Nang una kitang makita sa TV.
Umuulan pa nang oras na iyon
At malabo pa ang telebisyon,
Pero nagtiyaga ako.
Nagtiyaga ako kasi nakita kita.
Nagtiyaga ako tulad ng kung gaano ako nagtitiyaga ngayon sa paghihintay sa'yo.
Nagtiyaga ako.
Nagtitiyaga ako.
Nagtitiyaga pa rin ako.
Hindi kita kilala.
Hindi pamilyar sakin ang 'yong mukha.
Hindi ka naman kasi artista talaga.
Pero may naramdaman ako.
May naramdaman ako sa'yong kakaiba.
Sobrang kakaiba na hindi ko maipaliwanag.
Sobrang kakaiba na hindi ko maipaliwanag sa mga salita.
Sobrang kakaiba na hindi ko mawari kung ano.
Sobrang kakaiba na tila puso ko lang ang nakakilala.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa'yong mukha,
O dahil sa'yong magagandang mata.
Pero isa lang ang sigurado ako,
Masaya ako sa nararamdaman ko.
Napuno ako ng kuryosidad.
Gusto kong malaman ang 'yong mga abilidad.
Hindi kita makalimutan.
Hindi ka mawala sa'king isipan.
Kaya kinilala kita.
Kinilala kita.
Kinilala ko pati ang pamilya mo.
Kinilala kita.
Nakilala kita.
Nalaman ko ang lahat ng hilig mo.
Nalaman ko pati mga talento mo.
Nalaman ko ang halos lahat ng tungkol sa'yo.
Nalaman ko ang halos buong pagkatao mo.
At nalaman ko,
Nalaman kong mayroon ka na palang ibang gusto.
Pero nagpatuloy pa rin ako.
Nagpatuloy ako sa pagsunod sa'yo.
Nagpatuloy ako sa pagkilala pa sa'yo.
Nagpatuloy ako sa pagsubaybay sa mga post mo.
Mapa-Facebook, Twitter, Instagram, o YouTube man ito.
Sinubaybayan kita na tila isa kang telenovela.
Telenovelang pinakilig ako.
Telenovelang pinasaya ako.
Telenovelang minahal ko.
Ilang araw, linggo, buwan, at taon ang lumipas.
Pero ang nararamdaman ko para sa'yo ay hindi pa rin kumukupas.
Patuloy pa rin ako sa pagsubaybay sa'yo.
Patuloy ako sa pagiging mala-stalker mo.
Patuloy ako sa pagpapantasya sa'yo.
Patuloy ako sa pangangarap na mapa-sa'yo.
Patuloy akong umaasang tanggapin mo sa buhay mo.
Patuloy akong naghihintay na maging tayo.
Patuloy akong naghihintay na mapansin mo ang nararamdaman ko para sa'yo.
Patuloy akong lihim na nagmamahal sa'yo.
Nagpatuloy ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong nauubos na ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong tulad ng isang kandila ay nauupos na ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong napapagod na ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong nagsasawa na ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong nagiging tanga na ako.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong wala namang saysay ang paghihintay ko.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong sarili ko lang ang pinapaasa ko.
Nagpatuloy ako hanggang sa naramdaman kong nasasaktan na ako.
Nasasaktan na ako.
Sobrang nasasaktan na ako.
Nakalimutan ko kasing nasa realidad pala ako.
Nasa realidad na nasa magkabilang mundo tayo.
Sikat ka at kilala.
Napakarami mo pang tagahanga.
At ako, isang ordinaryong babae lang ako.
Isang ordinaryong babae na isa rin sa mga tagahanga mo.
Isang ordinaryong babae na lihim na nagmamahal sa'yo.
Isang ordinaryong babae na nangangarap na mapa-sa'yo.
Isang ordinaryong babae na nangangarap na makilala mo,
hindi lang sa pangalan ko, kundi maging ang buong pagkatao ko.
Nakalimutan ko.
Nakalimutan kong may ikaw nga at ako, pero wala namang tayo.
At walang magiging tayo.
Kailan man ay walang magiging tayo.
Kasi matagal nang merong kayo.
Minsan naiisip ko,
Alin ba ang mas masakit,
Iyong hindi mo alam na may isang ako na nabubuhay sa mundong ito,
O iyong alam mo ngang merong ako,
pero hindi mo naman hinahayaang makapasok ako sa buhay mo at ni wala kang pakialam sa totoong nararamdaman ko?
Sabi nila, matalino raw ako,
Pero bakit pagdating sa'yo nagiging tanga ako?
Siguro nga kasi ganoon talaga.
Pag nagmahal ka, nagiging tanga ka.
Tulad ng kung gaano ako ka-tanga sa'yo.
Na kahit alam kong walang pag-asang maging tayo, umasa pa rin ako.
Na kahit alam kong wala naman akong hinihintay ay naghintay pa rin ako.
Na kahit alam kong nasa magkabilang mundo tayo, naniwala pa rin akong magtatagpo rin tayo.
Na kahit wala naman talaga akong pinanghahawakan sa'yo, kumakapit pa rin ako.
Na kahit alam kong wala kang pakialam sa nararamdaman ko, ikaw pa rin ang ginusto ko,
ikaw pa rin ang minahal ko.
Na kahit alam kong may iba nang laman ang puso mo, pinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko.
Na kahit alam kong siya ang prinsesa mo, patuloy pa rin akong nagpantasya na siya ay magiging ako.
Na kahit alam kong isa kang bituin, pinilit ko pa ring ikaw ay abutin.
Na kahit alam kong marami kang tagahanga, pilit akong nagpapansin at nagpakilala.
Na kahit alam kong may ibang sa akin ay nagkakagusto, ikaw pa rin ang pinili ko.
Na kahit nasasaktan na ako, ikaw pa rin ang minamahal ko.
Na kahit hindi mo tinatanggap ang puso ko, pilit ko pa ring binibigay sa'yo.
Oo, ganun ako ka-tanga.
Ganun ako ka-tanga sa'yo.
Pero ngayon, ngayon tama na.
Titigilan ko na ang pagiging tanga sa'yo.
Titigilan ko nang maging tanga sa'yo.
Titigilan ko na ang larong ito na sa simula pa lang naman ay ako na ang talo.
Titigilan ko na ito.
Titigil na ako.
Sinimulan ko ang tulang ito sa noong unang beses kitang makita.
At tatapusin ko ito sa kung paano ako magiging malaya.
Magiging malaya mula sa pagkakakulong ko sa sarili kong pantasya,
Sa kung paano ako makakaahon mula sa pagkakalunod ko sa'yo,
At sa kung paano ako magiging masaya para sa'yo.
Oo, masakit.
Masakit na palayain ka at makitang masaya sa piling ng iba.
Pero alam ko namang kahit kailan ay hindi ka naging akin at hindi ako ang nagpapasaya sa'yo.
Pero salamat.
Salamat Sinta sa lahat ng memorya at alaala,
Na hindi man ganoon kasaya,
Nakilala naman kita.
Na kahit hindi man naging tayo,
Naging masaya pa rin ako at natutong magmahal ng totoo.
Salamat Sinta.
Mahal kita.
Pero oras na para mahalin ko rin ang sarili ko,
kaya paalam na.
Maging masaya ka.

tse! hahaha...gawa ka videos, Andrea.post mo sa Youtube
TumugonBurahinAyoko ma'am. Pinagawa lang 'yan sa akin eh, baka magalit siya, sikat pa naman 'yung crush nung nagpagawa sa akin niyan. XD
Burahin