"Guro" by Andrea Tan
Pagpasok sa eskwela, kaharap agad ang lamesa.
Patung-patong na dokumento ang bubungad sa mga mata.
Naguguluhan kung saan sisimulan.
Dadagdagan pa ng mga batang puno ng kapilyuhan.
Lamesa nila'y simbolo ng kanilang mabigat na responsibilidad.
Gumagabay sa atin upang palawakin ang ating mga abilidad.
Nagagalit man kung minsan o kadalasan,
Patuloy pa rin tayong pinagtitiyagaan.
Mensahe nila'y itigil na ang kalandian.
Busugin ang utak ng kaalaman,
Na ating magagamit sa ating kinabukasan,
At mga pangarap nati'y ating makamtan.
Kaya hatid namin ay lubos na pasasalamat,
Mula sa pagtuturo sa amin bumilang at bumasa sa aklat,
Hanggang sa paghubog sa aming mga katauhan,
At paggabay sa aming landas na tatahakin tungo sa magandang kinabukasan.
humayo at magbalik nang may dalang katagumapayan
TumugonBurahinYes po :)
Burahin