"Handa Ako" --- Spoken Word Poetry by Andrea Tan
Bata pa lang ako ay madalas na nila akong binibiro,
Girl Scout daw ba ako.
Handa kasi lagi ako.
Handa ako sa kahit ano.
Sa biglaang pag-ulan ay handa ako, dahil may payong ako.
Sa biglaang pagbaha ay handa ako, dahil may bota at kapote ako.
Sa biglaang pagsusulit ay handa ako, dahil nag-aral ako.
Sa biglaang tanong ng guro ay handa ako, dahil nakikinig at nagbabasa ako.
Handa ako.
Handa ako.
Hanggang sa dumating ka sa buhay ko.
Aaminin kong nabigla ako, pero handa ako.
Handa akong kilalanin ka.
Handa akong tanggapin ka.
Handa akong unawain ka.
Handa ako.
Handa akong patawanin ka.
Handa akong pasayahin ka.
Handa akong alagaan ka.
Handa ako.
Handa akong tulungan ka sa tuwing may problema ka.
Handa akong maging sandalan mo.
Handa akong maging takbuhan mo.

Handa akong mahulog sa'yo, pero hindi ka pala handang saluhin ako.
Handa akong ibigay sa'yo ang puso ko, pero hindi ka pala handang tanggapin ito.
Handa akong papasukin ka sa buhay ko, pero hindi ka pala handang papasukin ako sa buhay mo.
Handa akong mahalin ka ng buong-buong, pero hindi ka handang suklian ito.
Handa akong gawin lahat para sa'yo, pero wala ka palang gagawin kundi saktan ako.
Handa akong manatili lagi sa tabi mo, pero handa ka palang iwan ako.
Handa ako.
Pero mas handa ka pala.
Mas handa ka palang saktan ako.
Para kang isang lindol na yumanig sa buhay ko.
Handa ako noong dumating ka,
Hindi ako nataranta tulad ng iba.
Handa ako.
Ginawa ko ang lahat ng dapat kong gawin.
Pero hindi pala ako handa sa iiwan mong pinsala.
Hindi ako handa sa iyong mga wawasakin.
Hindi ako handa sa bunga ng delubyong dumating.
Hindi ako handa.
Hindi ako naging handa.
Hindi ako handa sa pananakit mo.
Hindi ako handa sa paglisan mo.
Hindi ako handa sa paglimot mo.
Hindi ako handa sa pag-iyak ko.
Hindi ako handa sa pagwasak mo sa puso ko.
Hindi ako handa sa pang-iiwan mo.
Hindi ako handa.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako naging handa.
Hindi ako nakapaghanda.
Hindi ako naging handa.
Hindi ako handa.
Pero matapos ang lindol at maraming aftershocks,
Matapos ang delubyo,
Handa na muli ako.
Handa na ako.
Handa na akong bumangon.
Handa na akong sumabay muli sa pag-ikot ng mundo.
Handa na akong papasukin ang sikat ng araw sa bintana ko.
Handa na akong punasan ang mga luha ko.
Handa na akong buuin muli ang puso ko.
Handa na akong sumabay muli sa agos ng buhay.
Handa na akong muling ngumiti at maging masaya.
At pangako, maghahanda na rin ako sa susunod na delubyo.
Maghahanda na ako sa magiging resulta at pinsala nito.
Maghahanda na ako.

hala...sino ito, Andrea?
TumugonBurahinHaha, keme lang ma'am. 'Di yan ako xD
Burahin