"Patawad" by Glydel Rose Oppus

Patawad.
Patawad mahal ko patawad kung hindi ako karapat-dapat.
Patawad, mahal ko patawad kung kailanman hindi naging sapat.
Patawad, kung ako'y pabigat sayo.
Na 24 oras nagiging krus mo.



Patawad, kung hindi kita masabayan.
Hindi kita masabayan sa lahat ng hilig mo.
Kayat sa tuwina'y nagkukuwento ka, lagi nalang ako nakatingin sa iyong mga mata.
Nakatingin sa iyong mga mata at hinihiling na sana ako nalang sila.
Ako nalang sila.
Sila na laging naiintindihan ka.
Naiintindihan kung ano ang iyong pinaglalaban.
Pinaglalaban na kailanman hindi kita masuportahan.


Patawad kung wala sakin ang ugali.
Ang ugali na gusto mo sa isang babae.
Isang babae na hindi magdadalawang isip bigyan ka ng kalayaan.
Kalayaang makasama, makausap, makakuwentuhan ang iba.
Na walang galit.
Walang galit sa mga mata.
Hindi ka babakuran na makisali sa mga talastasan.
Hindi magagalit, hindi mageeskandalo na lagi mong sinasabeng ginagawa ko.
Hindi sayo dedepende, dahil kayang tumayo sa sarili.
Madaling makaintindi, kayat hindi na makakatikim ng gulpi.
Gulpi galing sa inyong mga kamay.
Iyong mga kamay na kaya akong ihatid sa hukay.
Kaya sige tama na, tama na sa lahat ng sakit na paulit-ulit mong piandadama.
Ba't ba kasi ginawa kitang mundo eh tao ka lang naman pala.
Pero sige, tama na talaga.
Hanggang dito nalang kahit wala ng "AKO" sa buhay mo.
Salamat sa pananakit mo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Pangarap Lang Kita" --- Spoken Word Poetry by Andrea Tan

"Pilit" --- a Spoken Word Poetry by Andrea Tan

"Lihim" by Dave Cercado