Hindi ko alam kung paano sisimulan ang tulang ito, Ni hindi ko alam kung bakit ba kita ginawan ng ganito. Pero siguro kasi, Kasi gusto kong malaman mo 'yung totoong nararamdaman ko para sa'yo. At ngayon, sisimulan ko na ito. Sisimulan ko na sa kung paanong noong unang beses kitang nakita ay nakuha mo na agad hindi lang ang atensyon ko, kundi maging ang puso ko. Sisimulan ko na sa kung paanong noong unang beses kitang nakita ay nahulog na agad ako. Nahulog na agad ako. At hindi ko alam kung paano makakaahon mula rito, O kung makakaahon pa ba ako. Tandang-tanda ko pa ang petsa nang una kitang makita. Ika-labing tatlong araw ng Hunyo taong ika-dalawang libo't labing lima. Sabado iyon ng hatinggabi, Nang una kitang makita sa TV. Umuulan pa nang oras na iyon At malabo pa ang telebisyon, Pero nagtiyaga ako. Nagtiyaga ako kasi nakita kita. Nagtiyaga ako tulad ng kung gaano ako ...
Naaalala mo pa ba Sinta, Kung paanong tayong dalawa ay nagsimula? Nasa isang sulok ako noon sa kwarto at nag-iisa, Nang bigla kang lumapit at nagpakilala. Noong una ay ayaw kong tanggapin, Iniisip ko, baka kasi ikaw lang ay nagpapapansin. Pero nagpumilit ka. Nagpumilit kang magpakilala kahit ayaw ko. Nagpumilit kang alamin ang pangalan ko. Nagpumilit kang makipagkamay ako sa'yo. Nagpumilit ka. Nagpumilit kang pumasok sa buhay ko. Nagpumilit kang maging kaibigan ako. Nagpumilit ka. Nagpumilit ka. Nagpumilit ka di ba? Pero ngayon nasaan ka na? Naaalala ko, sobrang inis na inis ako sa'yo noong mga panahong iyon. Ang kulit-kulit mo kasi. Kahit saan ako magpunta, naroroon ka. Sunod ka nang sunod na parang aso. Dikit ka nang dikit na parang linta. Naiinis na ako! Ilang beses na kitang pinalayo. Pero aaminin ko. Aaminin ...
Patawad ang salitang bibitawan ko sayo mahal, Patawad dahil paulit-ulit akong nangangako sayo na kailanman hindi kita iiwan , Ngunit mahal ang kapatawarang ito ay aking pinagbabayaran , Dahil bakit? Sayo ko lang nagawa ang kasalanang ito. patawad ! patawad! patawad! Dahil ako'y nagkasala sa iyo. Patawad dahil sinaktan ko ang puso mo. Patawad dahil ang bawat minuto ng buhay mo ay aking binulabog. Binulabog ng kasalanang ako ang dahilan ng ating paghihiwalay. Mahal patawad. Patawad dahil paulit-ulit akong nagkakasala sayo. Patawad dahil sakin ika'y nagdurusa at nalulumbay. Patawad sa mga panahong ako ang iyong saya na nagpapagising ng iyong umaga. Patawad dahil naging parte ako ng mundo mong napakasay. Patawad dahil ako ang dahilan ng iyong kalungkutan na kailanman ay hindi ko na maibabalik dahil sa aking nagawa. Patawad mahal dahil ginawa mo akong mundo sa puso mo. Patawad na lamang ang isusukli ko sa iyong kabutihan para sakin. Patawad mahal hindi ko ...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento