"Handa Ako" --- Spoken Word Poetry by Andrea Tan
Bata pa lang ako ay madalas na nila akong binibiro, Girl Scout daw ba ako. Handa kasi lagi ako. Handa ako sa kahit ano. Sa biglaang pag-ulan ay handa ako, dahil may payong ako. Sa biglaang pagbaha ay handa ako, dahil may bota at kapote ako. Sa biglaang pagsusulit ay handa ako, dahil nag-aral ako. Sa biglaang tanong ng guro ay handa ako, dahil nakikinig at nagbabasa ako. Handa ako. Handa ako. Hanggang sa dumating ka sa buhay ko. Aaminin kong nabigla ako, pero handa ako. Handa akong kilalanin ka. Handa akong tanggapin ka. Handa akong unawain ka. Handa ako. Handa akong patawanin ka. Handa akong pasayahin ka. Handa akong alagaan ka. Handa ako. Handa akong tulungan ka sa tuwing may problema ka. Handa akong maging sandalan mo. Handa akong maging takbuhan mo. Handa ako. Handa akong patawanin ka. Handa akong pasayahin ka. Handa akong ala...